affiliate marketing
Joey de Leon surprise greetings to Willie Revillame PDF Print E-mail

Wow Mali host Joey De Leon Isang surpresa ang hindi inaa-asahan ng Wil Time Bigtime TV Host na si Willie Revillame sa kanyang 51st Birthday na ikinagulat rin niya. Ito ang buong pahayag ni Joey De Leon sa kanyang kaarawan.

" Nais lang kitang batiin pareng Willie ng Happy Happy Birthday. Alam mo at alam nyo mga kaibigan, ahhh…hindi ko itinatago na isa sa mga nakakapag-patawa na tao. Bihira lang ho ang nakakapag-patawa sa akin. Sa buong buhay ko sa business na ito, ang isa sa nakakapag…napapatawa talaga ako ay si Willie Revillame, totoo po yan.

Meron hong instance noong una ho kaming nagsama nyan sa pelikulang barbie, maekwento ko lang, may binanatan doon si Willie, kung maaalala mo pa Willie, ahhh sorry na lang doon sa mga mababanggit kung pangalan na tao. Ahhh magkasama kami sa Barbie, 'yung Barbie for President parang sidekick ko ata si Willie at doon sa aming partido. Ang partido namin eh, talagang noong araw eh kapilyohan na kaming dalawa, LBM ata iyon, Lapian ng Bagong Malaya, ayun LBM."

Ehhh nagbrake kaming sa shooting, kasikatan ni Don Pepot. Si Don Pepot ay isang komedyante rin, haggang ngayon hindi ko alam kung nasaan si Don Pepot. Pero so panahon na sikat sila Don Pepot, sila Tange mga ganun so kasama siya sa pelikula. Magma-majong kami dahil break, si Tony Reyes ang direktor, Ako, si Willie na bagong bago sa pelikula at si Don Pepot.

So pinakilala ko, oy! siyanga pala Don Pepot si Willie , Willie si Don Pepot.

Ang ginawa nitong si Willie, tinitigan mo si Don Pepot, tapos sabi mo, Ikaw pala si Don Pepot. Alam mo kahit minsan di mo ako napatawa. hahaha…Biro mo binanatan mo ang tao ng ganun? Doon ako natawa sa ginawa mo. Kaya…tapos ang matindi mga kaibigan, one to two combination yan, kakainin ko lang oras mo pare. Sa madaling salita, naasar sayo si Don Pepot totoo.

Sa laro natin ng majong, hanggang nagbreak ng alas-siyete, dahil mag-shooting na uli at de-dinner. Ahh..galit na galit sayo actually minumura ka di ba? minumura ka ni Don Pepot.(tinuturo ang kamay) talagang ganun. Tapos natalo ka ng isang daan.

Pangalawang beses na napatawa mo ako, alam nyo ho ginawa ni Willie? Iyong ahhh..iyong isang daan na sabit nya kay Don Pepot eh ginaganun sya. Ano, akin na, magbayad ka na ngayon! sandali lang sabi mo.

Ang ginawa mo, pinakuha mo iyong clutch bag mo, di ko alam kung may kotse ka na noon eh, pero parang meron. Pinakuha mo iyong clutch bag, ang ginawa nya doon sa isang daan, tsineke nya po! hahaha…tsineke binayad kay Don Pepot. Natawa ulit ako kaya pare di kita makakalimutan, iyong regalo mo sa akin, hindi iyong bag, iyong shoehorn haggang ngayon tinatago ko iyon.

Pare Happy Birthday at i-kinuwento ko iyon para malaman ng tao na nakakatawa ka talaga, nakakatuwa ka minsan lang talagang nakaka-asar ka pag-kalaban ka…hahaha…pero hindi actually pareho tayong mga buwisit. Pare Happy Birthday, I Love You at sana ay maging healthy ka pa at makapaglingkod sa maraming mga tao, at makapagpatawa sa mga tao, isa na dyan ako. Happy Birthday Pareng Willie.

" Wala na? Grabe! Ok na iyon kahit wala ng ibang bumati, okay na iyon" pahayag ni Willie na nagulat sa pagbati ni Joey De Leon.

Balak din pala ni Willie na pumunta ng Eat Bulaga at surpresahin si Joey De Leon pero nabaliktad ang pangyayari dahil si Wilie ang nasurpresa.

 

Add comment


Security code
Refresh

Wiltime Bigtime Booking

For Audience Reservation:

Telephone: 355-5530 look for Martin
Email: wiltimebigtime@yahoo.com

Call Time: 12:30 p.m. - 2:30 p.m.

Audition Address

#730 Quirino HighWay
San Bartolome Novaliches,
Quezon City (near TV5)

Careers at TV5

TV5 are opening their doors to the
best and the brightest! Join the
growing team of TV5.

Apply Now mga Kapatid!

Advertise with Us

If you want to promote your company in our site, contact us at info@wiltimebigtime.com

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines