| Willie Revillame, brings all Bigtime Girls to America |
|
|
|
|
Friday, 20 January 2012 18:17
|
|
Kitang-kita namin ang naging reaksiyon nilang lahat, biglang gumuhit sa kanilang mukha ang matinding pag-aalala, nagtatanungan sila kung ano ang nagawa nilang palso para magkaroon sila ng emergency meeting. Nag-ensayo sila nu'ng hapong 'yun na nag-aalala, ano raw kaya ang dahilan ng ipinatawag na meeting ni Willie, baka raw 'yun na ang huling araw nila sa programa. Kinagabihan ay isang mahalagang announcement ang ginawa ni Willie, pinaglaruan pa niya ang sitwasyon, sa buhay daw na ito maraming nagaganap na pagbabago na hindi natin maiiwasan. Ipinakita ang mga dancers na tahimik na tahimik, nag-aalala pa rin, mabuti na lang at tinapos na ni Willie ang pakikipaglaro sa sitwasyon. Ang kanyang annoucement, "Lahat ng mga dancers, kasama sa show ng Wil Time Bigtime sa Amerika! Nandito na ang mga application ninyo, ipinadala na ni Attorney Michael Garfinkel, kukuha na kayo ng visa!" 'Yun lang at naglundagan na sa sobrang tuwa ang kanyang mga dancers, matutupad na rin sa wakas ang kanilang pangarap na makarating sa Amerika, pasalamat sila nang pasalamat kay Willie Revillame. Ang show nila sa Amerika ay para sa pagpapalawak pa ng naaabot ng TV5, pagkatapos nu'n ay sa Europe naman ang kanilang destinasyon, kasunod na rin ang Dubai at Canada Source: Cristy S. Fermin - www.mybulgar.com |
| Last Updated on Friday, 20 January 2012 19:01 |
For Audience Reservation:
Telephone: 355-5530 look for Martin
Email: wiltimebigtime@yahoo.com
Call Time: 12:30 p.m. - 2:30 p.m.
#730 Quirino HighWay
San Bartolome Novaliches,
Quezon City (near TV5)
TV5 are opening their doors to the
best and the brightest! Join the
growing team of TV5.
If you want to promote your company in our site, contact us at info@wiltimebigtime.com